Una sa Balita

PHLPost lugi ng P1B sa socmed

0 378

UMAABOT sa isang bilyong piso ang ikinalugi ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) dahil sa pagbagsak ng bilang ng mga nagpapadala ng greeting cards sa pamamagitan ng koreo.

Ayon kay PHLPost Assistant Postmaster General for Marketin­g and Management Support Service Luis Carlos, sa halip kasi na magpadala ng Christmas card sa koreo ay idinadaan na lang ng mga tao ang pagbati sa kanilang mga kaanak at kaibigan sa pamamagitan ng Facebook, Twitter, Instagram o Viber.

Aniya, humataw sa kita ang PHLPost noong Dekada ‘80 at ‘90 dahil sa mala­king bulto at mahabang pila ng mga nagpapadala sa koreo.

Sinabi ni Carlos na patuloy naman ang pagbisita nila sa mga paaralan para ipaalala sa mga estudyante ang kahala­gahan ng pagpapadala ng sulat sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa malalayong lugar (Mia Billones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy