PHL WOMEN’S TEAM MULING MASUSUBOK

By

Mga laro ngayon:
(Alonte Sports ­Arena)
10:00 a.m. — KAZ vs. VIE
12:30 p.m. — JPN vs. TPE
3:00 p.m. — THA vs. CHN
5:30 p.m. — PHL vs. KOREA

Mapapalaban nang todo ang national ­women’s squad ngayong araw pagharap sa unbeaten Korea sa Pool E quarterfinals classification round ng 19th AVC Asian Senior Women’s Volleyball Championship sa Alonte Sports Arena.

Galing sa matinding bakbakan ang Pinay netters sa kanilang huling laban, kahit natalo sa tatlong sets lumaban sila nang sabayan sa Kazakh­stan.

Tumapos ang Kazakh­stan ng 2-0 card sa Pool A habang 1-1 ang Philipine team, ginawa nilang gatasan ang Hong Kong, (0-2).

Makikilatis ang tikas ng mga Pinays ngayong alas-5:30 ng hapon laban sa Korea, katapat naman ng Kazakhstan ang Viet­nam sa alas-10:00 ng umaga.

Subalit gaano man kalakas ang Korea mana­natiling palaban at buo ang loob na haharap ang ­Filipinas sa pangunguna ni volleyball superstar Alyssa Valdez.

Ayon kay Valdez, marami silang natutunan sa kanilang laban sa Kazakh­stan.

“I think one thing for sure, we really learned from this and hopefully madala namin sa laban sa Korea,” sabi ni Valdez.

Bukod kay Valdez, isasagupa ni coach Francis Vicente sina skipper Mika Reyes, Jaja Santiago, Jovelyn Gonzaga, Aby Marano, Gen Casugod, Maika Ortiz, Ces Molina, Aiza Maizo-Pontillas, Kim Dy, Kim Fajardo, Denden Lazaro at Dawn Macandili laban sa tigasing Korea. 

SHARE