Una sa Balita

PHL women’s sports program patok sa Asia

By
0 27

Napansin ang Pilipinas ng mga katabing bansa dahil sa walang puknat na pagpapatupad ng sports women activities sa mahigit na isang taon.

Isa si Philippine Sports Commission Sports for All/Women in Sports Oversight Commissioner Fatima Celia Hicarte Kiram na naimbitahan ng Taiwan para magsalita noong Huwebes at Biyernes (Oct. 12-13) sa 2017 International Conference on Women in Sports ng APEC Sports Policy Network.

“They like our program for our women and they wanted to know how we conduct and plan our events and activities,” pahayag ni Kiram.

Ibinahagi ng PSC commissioner ang balita sa 150 sumali kahapon ng umaga sa PSC-WIS Women Sports Festival 2017 Aquathlon sa Rizal Memorial Sports Complex.

Humigit-kumulang sa 500 delegado mula iba’t ibang bansa sa Asia ang dumalo sa dalawang araw na pagtitipon sa Taiwan.

Pangalawang sunod na komendasyon ito sa ilang buwan lang na natanggap ng national government sports agency, kasunod ang galing sa United Nations Educational and Scientific Cultural Organization para naman sa Children’s Games ni PSC Chairman William Ramirez.