Una sa Balita

PHL teams wagi sa Mexico, tabla sa Norway

By
0 4

Hinakbangan ng 46th seed Philippine team ang 57th seed Mexico sa women’s division, 3-1, habang masasabi pa ring tagumpay na tumabla ang 53rd seed  national men’s squad kontra reigning world champion Grandmaster Magnus Carlsen-led 12th seed Norway, 2-2, sa Open/men’s side sa 42nd Chess Olympiad 2016 kamakalawa ng gabi sa Baku Crystal Hall sa Baku, Azerbaijan.

Sa nine match points, kabuhol ang mga Pinay sa 10th-19th places sa 140 teams patungo sa pagsalpok kagabi sa eight seed Hungary sa 140 teams sa 13-round, 14-day woodpushfest na aabutin pa sa Setyembre 14.

Nasa 10th-19th  ang mga Pinoy sa siyam na puntos din at kahanay sa 13th-26th spots sa 180 entries sa panig nila. Nasa daan ng Pilipinas ang 36th seed Italy sa seventh round.

Pinagpipisak nina Woman Grandmaster candidate Janelle Mae Frayna (may ELO 2281), W International Masters Jan Jodilyn Fronda (2128) at Catherine Perena-Secopito (2119) sina WIMs Alejandra Guerrero Rodriguez (2043), Lilia IvonneFuentes Godoy ( 2142) at Miriam Parkhurst Casas (1993) sa boards 1-3.

Tanging natalo sa bd. 4 si W FIDE Master Shaniaa Mae Mendoza (1965) laban kay WIM Ivette Ale Garcia Morales (2006).

Draw lahat sina GMs Julio Catalino Sadorra (2560) kay Carlsen (2857), John Paul Gomez (2492) kontra GM Jon Ludvid Hammer (2651), GM Eugenio Torre (2447) kay GM Aryan Tari (2570) at Rogelio Barcenilla, Jr. laban kay GM Frode Urkedal (2537).