Una sa Balita

PHL TEAM DUROG SA KAZAKHSTAN

0 2
Hindi lumusot ang atake ni Alyssa Valdez ng Pilipinas sa depensa ni Alessya Safronova ng Kazakhstan sa 19th AVC Asian Senior Women’s Volleyball tournament sa Alonte Sports Arena sa Biñan kahapon. (Jay Jalbuna)

Dikitan muna sa simula, hanggang unti-unting bumitaw ang Kazakhstan at durugin ang Philippine women’s team, 25-23, 25-20, 25-19, kagabi at pangunahan ang Pool A ng 19th AVC Asian Senior Women’s Volleyball Championship sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Nanguna para sa Kazakhstan si Katerina Tatko na may 20 points at iukit ang ikalawang sunod na panalo.

Abante Hiring – IT dep

Sunod na makakaharap nito ang Vietnam sa quarterfinals classification round bukas (Linggo).

Naka-14 points naman si Alyssa Valdez para sa Pilipinas, habang si Jaja ­Santiago ay nag-ambag ng 13.

Dahil sa kabiguan, nahaharap ngayon sa mas mabigat na oposisyon ang ­Pilipinas.

Next assignment ng tropa ni coach Francis Vicente ang unbeaten team na ­Korea sa susunod na round.

Ito ang ikalawang pagkakataong tinalo ng Kazakhstan ang Pilipinas. Una ­silang nagharap noong 2015 sa Asian meet.

Hindi magkamayaw ang mga fans sa arena nang sa kaagahan ng first set ay ­nagawang umabante ng Nationals, 8-4 at 12-8, mula sa pagtutulungan nina ­Valdez, Santiago, at Ces Molina.

Subalit, ginamit ng Kazakhs ang kanilang taas at unti-unting pinatahimik ang home team sa pamamagitan ng hindi mapigil na blocking sa pangunguna ni Tatko.