Una sa Balita

PHL Sports High pinupursigi ni Sonny

By
0 1,177

MULING isinusulong ng kilalang sportsman na si Senador Sonny Angara ang pagtatatag ng Phi­lippine High School for Sports na magsisilbing breeding ground ng future world-class mga Filipino athlete at sports hero.

“Aside from bringing honor to their region, Palarong Pambansa is the biggest venue for our young athletes, especially from the provinces, to showcase their skills in the hopes of getting recruited by national sports associations, and by top universities and colleges. We should widen this opportunity by creating the Philippine High School for Sports,” hayag ng Senador na chairman ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at player din ng basketball para sa Senate Sentinels sa UNTV Cup.

Layunin ng Senate Bill 1332 ni Angara na bumuo at mag-establish ng Phi­lippine High School for Sports (PHSS) na magkakaroon ng de-kalidad na academic curriculum at kasabay nito ang pagkaroon din ng programa sa pag-develop ng athletic skills ng mga mag-aaral.

Ayon pa sa Senador, bagaman tinukoy na ng DepEd ang isang high school sa kada rehiyon na mayroong espesyal na programa para sa sports, kulang pa rin aniya ito dahil ‘ala namang kla­rong training program at selection criteria ang mga naturang paaralan.

Magbibigay ang PHSS ng secondary course na mayroong special emphasis sa mga subject gaya ng physical education at sports development para maihanda ang mga estudyante sa sports-related career pagdating ng tamang panahon.