Una sa Balita

PHL Lady Volcanoes pinasabog ang India

By
0 1,992

Pinataob ng Philippine Lady Volcanoes ang ­India, 19-5, para masiguro ang finals spot sa ­Division 1 ng Asia Rugby Women’s Championships, Martes sa Singapore.

Pinangunahan nina Sylvia Tudoc, Agot Danton at beteranong si Ada Milby ang Pilipinas at nagpakitang-gilas sa unang hati ng laro tangan ang pitong puntos na kalamangan.

Ayon kay team captain Aiumi Ono, masaya siya sa naging laro nila at masarap sa pakiramdam ­aniya ang manalo sa kanilang pagbabalik.

Abante Hiring – IT dep

“It’s a great start to the tournament, credit to the players and coaching staff, they worked hard for this victory,” ani Jake Letts ng Philippine Rugby.

Sunod na makakaharap ng Lady Volcanoes ang host na Singapore sa Biyernes sa Queenstown ­Stadium.