Una sa Balita

PHL cyclists kakasa kay Froome

By
0 1

Tatlong SEA Games-bound Pinoy cyclists ang makikipagkaskasan kina Tour de France ­Champion Chris Froome, Nairo Quintana, Fabio Aru, at ibang World Tour stars sa Astana Expo International Criterium sa Kazakhstan.

Papadyak sina Marcelo Felipe, Rustom Lim, at Dominic Perez laban sa mga tigasing siklista sa buong mundo sa Agosto 12 bilang paghahanda sa SEA Games Road events sa Agosto 22-25. 

Isa ang Philippines sa 15 professional teams na inimbitahan para sa UCI race kasama ang six World Tour at limang National squads. 

Bago ang Astana race, sina Felipe, Lim, at Perez, dadalhin ang 7-Eleven Road Bike Philippines, ay sasalang muna nga­yong Biyernes sa Tour of Dali Lake sa China kasama sina Jesse Ewart, Nelson at Bonjoe Martin. 

Matapos ang Herald Sun Tourin Australia na sinalihan ng 7-Eleven Road Bike Philippines ­ngayong taon, magkakaroon muli sila ng tsansa laban sa World Tour superstars. 

Ayon sa balita, todo handa ang SEA Games rivals ng mga Pinoy ­riders, isa na rito ang Malaysians na dumayo pa sa Melbourne para lumahok sa karera.