Una sa Balita

PHL 11 nilaos ang Laotians

By
0 36

Tinalbos ng Philippines ang Laos, 3-1, sa simula ng four-nation ­Chinese Taipei Football Association International Tournament Biyernes ng gabi sa Municipal Sta­dium sa Taiwan.

Unang umiskor si skipper Phil Young­husband sa 35th minute bago tumikada si comebacking Angel Guirado sa 46th minute strike para sa Azkals.

Nakaka-48th international goal na si Younghusband.

Nakatanggap ng magandang pasa si University of the Philippines standout King Miyagi kay reigning UAAP MVP Ateneo Jarvey Gayoso upang selyuhan ang pa­nalo ng Pilipinas.

Si Sengvilay Chanthasili ang nakapuntos lang para sa Laotians.

Magandang exposure para sa mga batang Phi­lippine players ang nasa­bing tournament upang magkaroon ng experience na makapaglaro sa men’s team at maipakita ang kanilang talento sa international na bakbakan. 

Sunod na makaka­harap ng Azkals ang Chinese-Taipei ngayong araw, huli ang Timor Leste sa Martes.