Una sa Balita

Phivolcs umapela sa publiko: Kalma lang sa mga aftershock

0 271

WALANG inaasahang malaking pinsala ang Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs) sa mararanasang mga lindol maliban na lamang kung manggagaling ito sa West Valley Fault.

Ito ang pahayag kahapon ni Phivolcs Director Renato Solidum kasunod ng panibagong pagyanig kahapon sa Bataan na may lakas na 4.4 magnitude.

Ayon sa Phivolcs alas-2:02 nang madaling-araw nang tumama ang tectonic earthquake na ang sentro ay naramdaman sa Dinalupihan, Bataan at may lalim na anim na kilometro.

Muling umapela ang Phivolcs sa publiko na kumalma lamang, at ang nara­ranasang mga pagyanig lalo sa Luzon ay bahagi ng aftershocks matapos ang 6.1 magnitude quake.

Nabatid na nasa 600 aftershocks na ang naitala resulta ng lindol sa Castillejos, Zambales na naramdaman din maging sa Metro Manila. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy