Una sa Balita

Phivolcs lalong kailangan sa DDR

0 433

PRUWEBA ang sunod-sunod at wala pa ring tigil na malalakas na pagyanig sa Mindanao kung bakit mahalagang isama ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa panukalang Department of Disaster Resilience (DDR).

Ito ang ipinunto ni Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng house ways and means committee ng Kamara at pangunahing may-akda ng DDR bill.

Matatandaang magkasunod na lindol ang naminsala sa Tulunan, Cotabato noong Oktubre 29 at Nobyembre 1 kung saan 16 katao ang iniulat na nasawi at mahigit 400 na nasaktan habang da­lawa pa ang nawawala.

Sinira rin ng lindol ang mga 3,220 imprastraktura at libo-libong pamilya ang na-displace at kinailangang manirahan pansamantala sa iba’t ibang evacuation center.

Isa sa negatibong obserbasyon, ani Salceda, “Hindi rin naging magkakatugma ang tugon ng mga ahensya ng gobyerno. Pahiwatig ito na sadyang kailangan ang mabisang kaalaman, wastong impormasyon mula sa pagsusuri ng mga pa­nganib na layuning maging bahagi ng mandato at ba­langkas ng DDR.

“Kasama sa mga sadyang kailangan ng DDR ang Phivolcs para sa mahusay na pagsusuri ng mga kahinaan, kumprehensibong tugon sa mga ito, at vulnerabi­lity reduction and integrated response,” dagdag pa ng mambabatas.

Naipasa na ng Kamara ang panukalang DDR sa nakaraang 17th Congress ngunit ginahol sa oras ang Senado na pagtibayin ito dahil sa 2018 election.
Inendorso ni Pangulong Duterte ang paglikha ng DDR sa nakaraan nitong mga SONA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy