Una sa Balita

PHISGOC ni Alan wardi sa SEAG

0 354

KINAPITAN ng sangkatutak na problema ang hosting­ ng Pilipinas sa Southeast Asian Games (SEAG) dahil sa kakulangan ng maayos na pagpaplano ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Foundation na pinamumunuan ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Dapat daw kasi ay hindi foundation kundi ahensiya ng gobyerno ang mag-oorganisa ng nasabing palaro, ayon kay dating Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Binanggit ng dating opisyal na noong nag-host ang Pilipinas ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit at Association of Southeast Asian Nation (Asean) Summit ay isang Executive Order ang nilabas para sa paglikha ng organizing committee.

“Wondering why they did not create a National Organizing Committee via EO for the purpose of organizing the hosting, as was the case for the APEC and ASEAN,” tweet ni Valte.

“If turfing was a problem, then appointing the two bodies with the bigger bulk of responsibilities to share the load could have worked, as was the case during the APEC hosting in 2015. Wondering if they encountered legal complication?” ayon naman sa hiwalay na tweet ni Valte.

Noong Huwebes lamang ay inusisa ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kung bakit ang PHISGOC ang siyang nangangasiwa sa SEAG gayung trabaho dapat ito ng mga ahensiyang may kinalaman sa palakasan.

Dahil sa pagbusisi ni Drilon sa PHISGOC, ipinagpaliban ang deliberasyon ng panukalang budget ng Philippine Sports Commission at iba pang sports agency.

Nadamay din ang panukalang budget ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) na siyang sumawsaw sa proyekto sa pagpapagawa ng mga sports facility.

Ang BCDA chief na si Vince Dizon ay dating nagtrabaho kay Speaker Cayetano noong nasa Senado pa ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy