Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Phisgoc-Cayetano sisingilin sa winaldas

0 409

Sinuportahan ni Senador Leila de Lima ang panawagan ng mga kasapi ng Philippine Olympic Committee (POC) na i-audit ang financial statement sa nagastos ng pagdaos ng 30th Southeast Asian (SEA) Games sa bansa noong 2019.

Ginawa ni De Lima ang pahayag matapos mapag-alamang hindi pa nag-uulat ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) na pinamumunuan ni dating Speaker at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ng anumang perang ginastos sa nasabing kompetisyon.

“Until now, one year after the country’s hosting of the biennial competition, the Filipino public is still left in the dark with regards to how PHISGOC spent billions on last year’s Southeast Asian Games,” pahayag ni De Lima.

Giit ng senador, dapat lamang na malaman ng publiko kung gaano kalaki ang halagang ginastos sa 30th SEA Games at ang posibleng pananagutan dito ng mga opisyal ng Phisgoc.

SM food to go Banner Ad

“We cannot simply ignore possible corruption and incompetence when they happen right in front of our very noses,” sabi ni De Lima.

Nauna nang sinabi ng POC na nakahanda silang maghain ng kaso laban sa Phisgoc matapos mabigo itong magbigay ng financial report hinggil sap ag-host ng bansa sa 30th Southeast Asian Games.

Hanggang sa ngayon, hindi pa rin umano nagpiprisenta ang Phisgoc ng financial report sa POC kabilang ang kita mula sa ticket sales, merchandize, broadcast rights at private fund na nakuha mula sa local at international sponsorship.

Nabatid na pinalawig pa ng POC ang liquidation sa SEA Games fund hanggang Oktubre 10 subalit binalewala umano ito ni Cayetano, Phisgoc chairman, at operating officer Ramon `Tats’ Suzara.

“Kaya simula pa lang, itinutulak na natin ang imbestigasyon ukol dito. Kung wala silang itinatago, dapat matagal na nilang idinetalye ang kanilang gastos,” ayon pa kay De Lima. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.