Una sa Balita

PHINMA wagi sa bidding ng Meralco

0 267

ISA ang PHINMA Energy Corporation sa mga naituring na best bids sa isinagawang competitive bidding ng Manila Electric Company (Meralco) para sa suplay ng kabuuang 1,200 megawatts

Ayon sa PHINMA Energy Corp. kahapon, ang pagbubukas ng bids ay isinagawa noong Lunes, September 9.

Dagdag pa PHINMA Energy Corp. ng mga Aya­la, ang kanilang pagkakapanalo ng pagsuplay ng 200 MW ng baseload demand ay dadaan pa sa post qualification evaluation. Pagkatapos nito lamang magkakapirmahan ng power suplay agreement na kakailanganin ng basbas ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ang suplay ng kuryente ay para sa Disyembre 26, 2019 hanggang sa Disyembre 25, 2029.

Nagpa-bid din kahapon ang Meralco para sa isa pang 1,200 MW na kabuuang baseload suplay para sa 20 taon mula September 2024. May bidding din ang Meralco ngayong araw para naman sa 500 megawatts mula December 26, 2019 hanggang 2024.

Inutusan ng Korte Suprema ang Meralco na idaan sa maayos na bidding ang pagkuha nito ng mga power supply agreements nito. Sa desisyon ng Korte Suprema, ang competitive selection process ay dapat gawin sa mga PSA na napirmahan pagkatapos ng Hunyo 30, 2015.

(Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy