Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Philracom-PSA Cup bibira sa San Lazaro

0 32

MAKIKILATIS ang tikas ni Super Ninja sa magaganap na 2022 Philracom-Philippine Sportswriters Association (PSA) Cup na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong araw.

Rerenda kay Super Ninja si Pabs Cabalejo sa karerang may distansyang 1,600 metro.

Ayon sa komento ng mga karerista, inaasahang mapapalaban si Super Ninja laban sa anim na kabayong kasali sa event na suportado ng Philippine Racing Commission sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Makakatagisan ng bilis ni Super Ninja sina Darleb, Crowded Trade, Truly Ponti, Dragon Butterfly, Shastaloo at Time For Glory.

“Tingin ko sina Darleb at Shstaloo ang mahigpit na kalaban ni Super Ninja,” sabi ni Macario Ledesma, veteran karerista.

Hahamigin ng may-ari ng mananalong kabayo ang P300,000, kukubrahin ng second placer ang P112,500 habang P62,500 sa third. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.