Una sa Balita

PHILRACOM 4YO race kakaripas sa Linggo

0 189

PUSPUSAN na ang ensayon ng mga trainer at kanilang pambatong kabayo dahil sa magaganap na 2019 PHILRACOM ‘Four-Year-Old & Above Local Stakes Race’ na pakakawalan sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa Linggo.

Paglalabanan ang P500,000 guaranteed prize sa 1,600-meter race.

Magtatagisan ng bilis sa event na may P300,000 na premyo sa owner ng unang kabayong tatawid ng meta sina Eugene Onegin, Great Wall, Mandatum, Pangalusian Island Scarborough Shoal, Summer Romance at Wonderland.

“Aabangan ko ‘yan, siguradong magandang laban yan,” ani Redentor Casimiro na palaging nanonood ng ensayo sa karerahan.

Hahamig rin ng P112,500 ang may-ari ng pangalawang kabayong tatawid sa finish line habang P62,500 at P25,000 ang kukubrahin ng third at fourth placers, ayon sa pagkakasunod.

Ibubulsa naman ng breeder ng winning horse ang halagang P15,000.
Kakargahin ni Wonderland ang 54 kgs. habang ang ibang kalahok ay papasan ng tig-55 kgs. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy