Una sa Balita

PHILLIP AT CRISTINA, NAGDEMANDAHAN, NAGYAKAPAN!

By
0 190

Parang eksena sa pelikula ang nasaksihan ng mga tao sa Makati Regional Trial Court Branch 62 noong Lunes, ang araw na pinawalang-sala sa estafa case ang multi-awarded actor na si Phillip Salvador.

Ayon sa mga eyewitness, nagpalakpakan ang lahat nang basahin ang desisyon ni Judge Ma. Concepcion Billones na “Wherefore, for the failure of the prose­cution to prove accused’s guilt beyond reasonable doubt, Phillip Salvador is hereby ACQUITTED of the crime charged.”

Naging emosyonal si Phillip nang marinig nito ang pasya ng korte kaya niyakap at pinasalamatan niya ang mga supporter, kabilang si Cristina Decena, ang former girlfriend na nagsampa ng estafa case laban sa kanya.

Umabot sa labing-apat na taon ang court battle, na nagsimula noong 2003, nina Phillip at Cristina. Sa bandang huli, umiral ang pagpapatawad sa puso ng magkabilang kampo.

Bago lumabas ang desisyon ng korte noong Lunes, nagkaroon sina Cristina at Phillip ng pagkakataon na magkita at magkausap nang personal noong nakaraang linggo.

“Sobra! Sobra!” ang sagot ni Phillip sa mga bumati sa kanya at nagsabi na talagang mabait ang Diyos dahil abswelto siya sa pangalawang estafa case na isinampa ng dating karelasyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy