Una sa Balita

Philippines bigo sa Guam

By
0 125

Sawimpalad ang host Philippines sa Guam, 1-8 at nagkaloob sa huli ng last finals ticket sa 2016 Asia Pacific Senior League Baseball Tournament sa Clark International Sports Complex-The Villages sa Mabalacat, Pampanga kahapon.

Nalansihan ang mga Flipino ng Guam batters ng seven runs sa last two innings na sumusi sa pagkawasak ng puso ng local team at makaharap ng vi­siting squad ang wala pang talo sa four games na Australia sa championship match ngayon.

Lumagak lang ang kinatawan ng bansa na ILLAM na may 1-3 win-loss record sa likod ng dethroned champions Commonwealth of Northern Mariana Islands na may 2-2 tapos ng 23-1 demolisyon sa Indonesia (0-4) sa isa pang laro.

Susubukan ng ILLAM na mabigyan ng kaunting karangalan ang bansa sa bronze medal match sa CNMI.

Tinibag naman ng Japan ang titleholder Korea, 6-2, sa no-bearing elims duel na preview match nila mamaya para sa Intermediate League title.

Yuko rin ang isa pang Phil. representative Sarangani sa Hong Kong 3-6, sa similar ranking game na para rin bronze medal tussle.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy