Una sa Balita

Philippine Sports Training Center pang-ayuda sa mga atleta — Sonny

By
0 271

EXCITED na si Senator Sonny Angara sa aniya’y “reinvigorated culture of sports” sa oras na maitayo ang state-of-the-art national sports training center sa bansa.

Malapit nang matupad ang pagkakaroon ng Philippine Sports Training Center (PSTC) kasunod ng pag-apruba ng bicameral conference committee kamakailan sa nasabing panukalang batas na magtatatag dito.

“Darating ang panahon na ‘di na lang tayo aasa sa swerte pagdating sa larangan ng palakasan. Sakaling maisabatas, makatutulong ang pagtatatag ng Philippine Sports Training Center sa pagpapalakas ng ating tsansa na magtagumpay sa pandaigdigang kumpetisyon,” punto ni Angara, ang principal author at sponsor ng panukala.

Aniya, ang planong sports training facility ay makakapag-produce ng mas maraming pambato ng Pilipinas sa Olympics na may malaking tsansa naman para masungkit na ang mailap na gintong medalya. “(It will) create Olympians, produce future hall-of-famers, and, most importantly, empower the Filipino to win.”

Kapag tuluyang naisabatas, magbibigay ito ng sobra-sobrang ayuda sa mga atleta para sa mas malaking tsansa sa gold medal sa Olympics at iba pang international sports events.

“The PSTC will offer a beacon of hope for Filipino athletes, sports enthusiasts, fanatics and the entire nation hungry for that elusive Olympic gold,” dagdag ni Angara, vice chairman ng Senate Committee on Sports.

Sa ilalim ng panukala, maglalaan ang gobyerno ng P3.5 bilyon para sa proyekto na inaasahang matatapos sa loob ng dalawang taon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy