Una sa Balita

Philippine Pro Gaming League masasaksihan sa S+A, iWant

0 642

INIHAHANDOG ng ABS-CBN Sports ngayong weekend ang laban ng mga pambato ng Pilipinas sa eSports sa 2nd Philippine Pro Gaming­ League (PPGL) tampok ang mga larong Arena of Valor, League of Legends, Mobile Legends, at Tekken 7 sa S+A, LIGA, at iWant.

Magkakaroon ng pagkakataon ang mga naglalaro at sumusubaybay sa mga Massive Online Battle Arena (MOBA) na mapanood ang Arena of Valor (AOV) Finals ng LIVE sa S+A ngayong Linggo (Agosto 11) ng 10:30 am at ang League of Legends (LOL) Finals sa primetime ng 8 pm. Mapapanood naman ang Tekken 7 tournament Finals ng LIVE sa LIGA ng 6 pm sa parehong araw.

Sinimulan na ng ABS-CBN Sports noong Biyernes (Agosto 9) ang paghatid ng aksyon sa ikalawang PPGL sa iWant, kung saan may livestreaming ng semifinals ng AOV at opening round ng sikat na sikat na mobile game na Mobile Legends Bang! Bang! (MLBB). Tuloy ang livestreaming sa iWant ngayong Sabado (Agosto 10) para sa semifinals ng LOL at Finals ng MLBB simula 11 am, at ang Finals ng AOV, LOL, at Tekken 7 sa Linggo (Agosto 11) simula 10:15 am.

Para sa karagdagang impormasyon at mga kuwento tungkol sa PPGL at eSports, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin angwww.abscbnpr.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy