Una sa Balita

Philippine Navy triple win sa Dragon Boat

0 90

Nakamit ng Philippine Navy ang kampeonato sa Men’s Open, Mixed Standard at Women’s Small Boat divisions sa 2017 Manila Bay Seasports Festival na ginanap noong Linggo.

Ang mga batikang bangkero mula Agoo, La Union naman ang nag-uwi ng pangunahing puwesto sa bancathon. Humarurot nang husto si Mark Kim Bantilan lulan ng ‘Patricia’ upang mapanalunan ang Formula Race, samantalang buong husay ang arangkada ni Ruben Quero bilang piloto ng ‘Angilyn’ upang magwagi sa Stock Race.

Ang 2017 Manila Bay Seasports Festival ay handog ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, EyeBerry, Executive Optical at MyJuiz.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy