Una sa Balita

Philippine Blood Center kapos sa supply

By
0 329

Nanawagan ang Philippine Blood Center sa publiko na mag- donate ng dugo matapos nitong iulat na ang supply ng dugo ay bumaba.

Ginawa ni Dr. April Charlotte Andal- Medical Officer III ng Philippine Blood Center ang panawagan sa radyo.

Iniulat nito na simula nang magpatupad ng quarantine wala na umanong nagdo0 donate ng dugo.

“ Nananawagan po kami na magdonate kayo ng dugo sobrang kaunti nap o ang dugo at kailangang kailangan natin ito, ” ayon kay Dr. Andal.

Ang mga dugo ay kailangan nila sa mga pasyenteng manganganak, ooperahan at mga kaso ng aksidente.

Nilinaw rin ni Dr. Andal na wala umanong ebidensya na nasasalin sa blood transfusion ang COVID 19 kaya’t walang dapat ipaalala ang publiko.

Tiniyak niyang virus free sila dahil pinaiiral umano nila ang proper hygiene sa lugar .

Sa sinumang gustong mag- donate ay sila umano ang magpo- provide ng sakyan a at paiiralin ang social distancing.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More