Una sa Balita

Philippine Army naalarma sa inabandonang motor

0 276

Naligalig ang mga awtoridad nang matagpuan ang abandonadong motorsiklo na pinaghinalaang may bomba malapit sa gymnasium ng Philippine Army (PA) sa Taguig City kahapon.

Dakong alas-11:40 nang umaga nang makita ang pulang Suzuki motorcycle sa gate ng PA Wellness Center sa kahabaan ng Lawton Avenue, Fort Bonifacio.

Agad kinordon ang paligid ng lugar para sa imbestigasyon. Umupo umano ang K-9 unit na naging senyales ng posibilidad na may bomba ang naturang motorsiklo.

Subalit nang siyasatin ay nagnegatibo ito sa bomba.

Tukoy na ng Southern Police District ang may-ari ng motorsiko at pansamantalang hindi muna binanggit ang pangalan at pagpapaliwanagin hinggil sa ginawa nitong pagparada dahil bawal sa nasabing lugar.

Nagdulot ng matinding daloy ng trapiko sa magkabilang kalye ng Mckinley sa nasabing lungsod. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy