Una sa Balita

Philip-Fortune ni Lucio Tan, hagip ng taas-buwis sa sigarilyo

0 190

ISINUSULONG ngayon ng Department of Health (DOH) ang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa sigarilyo.

Sa isang pulong balitaan sa DOH, sinabi Health Secre­tary Francisco Duque III na layon ng mas mataas na tobacco taxes ang mas malusog na mga Pilipino sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) Bill.

Noong Oktubre 10, 2018, pumasa na sa ikatlong pagbasa sa Kamara de Representantes at Senado ang UHC bill.

Sa pagtaya ng DOH, sa unang taon nang magiging implementasyon ng nasabing panukalang batas, aabot sa P257 bilyon ang dapat na pondo para sa kinakaila­ngang reporma.

Isa sa tatamaan ng mala­king buwis sa sigarilyo ay ang Philip Morris Fortune Tobacco Corp (PMFTC) ng negosyanteng si Lucio Tan.

Bukod sa magiging koleksyon ng karagdagang buwis, naniniwala ang DOH na kasama sa positibong epek­to nito ang pagbaba ng bilang ng mga maninigarilyo at mas kakaunti na rin ang magkakasakit dahil sa sigarilyo.

Sa pagtaya ng mga awtori­dad, Kung papalo sa P90 ang buwis sa sigarilyo, mahigit sa isang milyong kamatayan na iniuugnay sa sigarilyo o paninigarilyo ang mababawas.

Inaasahan din bababa pa sa 15.7% ang mga naninigarilyo mula sa 21.6% ng kasalakuyang populasyon ng bansa.
Naniniwala din ang kagawaran na batay sa Pulse­Asia Ulat ng Bayan survey na isinagawa noong Setyembre, 67% ang public approval para sa mas mataas na tobacco taxes o dalawa sa bawat tatlong Pinoy ang pabor sa mas mataas na buwis sa sigarilyo.

Lumabas din sa natu­rang survey na 64% ng mga botante ang pipiliin ang mga kandidatong mag-eendorso ng mas mataas na buwis sa sigarilyo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy