Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PhilHealth utang sa Red Cross, damay mga OFW

0 484

Nagpasya ang Philippine Red Cross na itigil na ang COVID-19 testing sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealt).

Ito anila ay dahil sa “inability” ng PhilHealth na bayaran ang “ever-increasing outstanding balance” nito sa PRC.

Dahil dito ay apektado ang pag-test sa mga umuwing overseas Filipino worker, mga dumating sa mga airport at seaport, mga nasa mega swabbing facility, at mga frontline health at government worker.

Ayon sa PRC, hindi nila ipagpapatuloy ang mga nabanggit na serbisyo hangga’t hindi binabayaran ng PhilHealth ang “overdue balance” nitong ₱930.99 milyon.

Higit isang milyong coronavirus test na ang nagawa ng Red Cross nationwide o katumbas ng 25 percent ng COVID-19 testing na sinagawa sa ating bansa. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.