Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PhilHealth suka ng P10B sa mga ospital

0 72

InaksiyUnan na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang atraso sa mga pribadong hospital sa pamamagitan nang pagbabayad ng P10 bil­yon.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular ‘Talk to the People’ matapos utusan si PhilHealth President Dante Gierran na aksiyunan agad ang panawagan ng asosasyon ng mga hospital na kinakapos na ng pondo dahil hindi pa sila nababayaran ng ahensiya.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ng Pangulo na sa panahon ng pandemya ay hindi kailangang magtipid lalo na kung kaligtasan at kalusugan ng mamamayan ang malalagay sa alanganin.

“Sabi ko kay Gierran, huwag ka magti­pid. Hindi ito panahon ng tipid. Ilarga mo lahat yan, kailangan ng mga tao. Maski hindi pa kailangan ilagay mo lang diyan tutal aabot rin yan,” anang Pangulo. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.