Una sa Balita

PhilHealth scam masahol pa sa plunder — Anakalusugan

0 215

Marapat lamang na sampahan ng kasong kriminal ang lahat ng indibiduwal, pati na ang mga opisyal at empleyado ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na sangkot sa pagbabayad ng PhilHealth benefits sa mga ghost dialysis treatment, ayon kay Anakalusugan Party-list Representative-elect Mike Defensor.

“Stealing from PhilHealth is worse than plunder! Every centavo stolen means depriving another person’s life,” diin ni Defensor.

“This is also gross negligence on the part of PhilHealth personnel who allowed this to happen. All persons involved in this scam must be held accoun­table and meted out the highest penalties provided by law.

Those who usurp funds meant for the sick and the needy should be arrested and charged to prevent future occurrences of this nature,” dagdag pa niya.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa PhilHealth na sampahan ng kaso ang mga sangkot sa pagbabayad ng benepisyo sa pasyente na matagal nang patay sa pribadong dialysis center sa Novaliches, Quezon City.

Pero ayon sa state insurance fund, nakapaghain na sila ng 28 administrative complaint laban sa WellMed Dialysis Center and Laboratory Corp.

Sinabi naman ni Defensor na hindi sapat ang admi­nistrative complaint dahil kasong kriminal ang dapat isampa sa mga sangkot.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy