Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PhilHealth kukubrahin na taas-singil

0 57

Uumpisahan nang singilin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mas mataas na premium contribution na 4% sa mga miyembro at employer simula sa Hunyo 2022.

Sabi ng Philhealth, nakasaad ang pagtaas ng kontribusyon sa Universal Health Care Act at nakalahad sa PhilHealth Circular No. 2020-0005.

Paliwanag ng ahensiya na ngayong 2022 dapat nagsimula ang pagsingil ng mas mataas na premium rate na 4% kaya’t pinapayuhan nito ang mga miyembro at employer na humingi o kunin ang kanilang Statement of Account mula Enero hanggang Mayo para malaman ang magkano ang kulang na 1% at nang mabayaran ito hanggang Disyembre 2022.

Noong 2020, nasa 3% lamang ang premium contribution ng mga miyembro. Para sa mga kumikita ng P10,000, katumbas ito ng P300 kada buwan. Sa kumikita ng P60,000, katumbas ito ng P1,800 kada buwan.

Noong 2021, tinaas dapat sa 3.5% ang premium contribution kung saan ang dating P300 ay P350 na.

Ngayong 2022, tumaas na dapat ang premium contribution sa 4% at ang dating P300 ay P400 na dapat. Sa 2023, tataas pa ito sa 4.5%, hanggang sa itaas na ito sa 5% sa 2024 kung saan ang dating P300 ay magiging P500 na. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.