Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PhilHealth dagdag kontribusyon gugugulin sa pagpapaospital

0 107

Siniguro ng pamunuan ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa mga miyembro nito na makatatanggap sila ng kontribusyon bilang pag-ahon sa hospital bills at iba pang benepisyo na nakalaan para sa miyembro sa kabila ng nakaambang pagtaas ng monthly premium rate sa susunod na buwan.

Sa pahayag ng PhilHealth, magtataas sila ng monthly contributions mula 3% hanggang 4% ngayong Hunyo na kung saan ang pagtaas ay magiging epektibo mula Enero.

Paliwanag nito na ang nakapagbayad na ng kanilang kontribusyon ng 3% mula Enero hanggang May ay kailangan pang bayaran ang kakulangang 1% differential hanggang December 2022 na walang interest.

Ang premium rate hike ay nakalaan sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) Law na may mandato na ang contribution ay maaaring magtaas ng 0.5% kada taon mula 3% ng 2020 hanggang makaabot ng 5%.

Pahayag pa ng PhilHealth na nakalaan ito para sa pagbayad ng health services at gamot na kailangan para pagalingin ang pasyente.

Sinabi pa ng PhilHealth na ang contribution adjustment ay makatutulong na punan ang COVID-19 benefit packages na una nang nagawa noong 2020 na walang contribution adjustments.

Kabilang sa COVID-19 benefit packages ay SARS-CoV-2 testing from P500 to P2,800, Hospitalization package from P43,997 to P786,384, Community isolation package for P22,449 at Home isolation package for P5,917.

Dagdag pa ng state insurer na ang implementation ng schedule premium rate hike ay suportado ng pagtaas ng Primary Care Package kabilang na ang consultation, preventive and curative care, laboratory at diagnostic procedures, mga gamot na nakalaan sa mga beneficiaries’ sa ilalim ng primary care physician.

Kasama pa ang Hemodialysis extension to 144 session, Mental health packages for outpatient services, Full financial risk protection for health workers

Ang 4% premium rate ay mula sa naipon na P10,000 pababa at kailangan na nasa P400.00 ang binabayarang monthly contribution sa PhilHealth.

Ang monthly contribution sa social health insurance coverage ay equally shared sa mga empleyado at employer, maliban lamang sa mga “kasambahays” o household helpers premium na sinasagot na bayaran ng mga amo.

Matatandaang noong 2020 ay pumutok ang kontrobersya sa PhilHealth matapos isiwalat na mayroong PhilHealth “mafia,” na kinabibilangan ng executive committee na nagkapag-omit ng P15 billion na kung saan paliwanag naman ng pamunuan ng PhilHealth na ang controversial na P15-billion ay hindi nawawala kundi na-fully liquidated na.(Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.