Una sa Balita

Philhealth Chief sibak sa pagbuhay reyna

By ,
0 6,003

KABILANG na sa hanay ng mga sinibak na opisyal ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) interim chief Celestina Maria Jude Dela Serna.

Ipinahayag ng Malacañang ang pagsibak kay Dela Serna habang nasa South Korea ang Pangulo para sa official visit nito.
Isang Dabawenyo ang ipinalita kay Dela Serna na si Dr. Roy Ferrer, board member ng PhilHealth. Tubong Davao City si Ferrer na isang diabetes specialist.

Katulad ng ibang opisyal ng administrasyong Duterte, nasangkot din si Dela Serna sa iskandalo matapos mabunyag sa report ng Commission on Audit (COA) ang kuwestiyonableng gastos nito sa kanyang mga biyahe at hotel accommodation.

Bukod pa rito ang halos isang taong pagtira ni Dela Serna sa The Legend Villas na may rate na mahigit P3,000 kada gabi at binayaran ng PhilHealth.

Samantala, sinabi ni Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin na sa simula pa lamang ay hindi na dapat itinalaga si Dela Serna sa PhilHealth dahil kulang ang kuwalipikasyon nito para pamunuan ang nasabing ahensiya.

“She lacks the qualifications to head PhilHealth except being close to the President through her father,” komento ni Villarin.
Para kay Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano, hindi umano maitatanggi ng Malacañang na pambayad ng utang na loob lamang ang ginawang pagtatalaga sa mga opisyal ng gobyerno.

“This shows the kind of appointment the President has. He appoints, he fires. Pambayad utang lang ang mga posisyon sa gobyerno para sa mga kaibigan, kakilala, at supporters. The more often he fires his appointees the more people he can pay his debt of gratitude,” reaksyon ni Alejano.

Iginiit naman ni Senior Citizen Party-list Rep. Milagros Aquino-Magsaysay sa COA na magkaroon ng special audit sa Philhealth para mahalukay ang lahat ng mga maanomalyang “policies and transactions” ng ahensiya mula noong 2015 hanggang sa kasalukuyan, pati na ang `disenfranchisement’ ng milyon-milyong mga senior citizen sa Philhealth coverage.

Hindi dapat nagtatapos sa pagsibak kay Celestina dela Serna bilang pinuno ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pag-ugat sa katiwaliang bumabalot patungkol sa kwestyunableng paggugol ng pondo ng tanggapan.

Ganito rin ang gustong mangyari ni CIBAC Party-list Sherwin Tugna na dapat ituloy ang imbestigasyon, paghahabol at pagpapanagot sa mga nagsamantala sa pondo ng PhilHealth.

“Kailangan din imbestigahan kung gaano kalaganap ang korapsyon sa ahensya at mapanagot ang mga sangkot sa mga maanomalyang transaksyon,” ani Tugna.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy