Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PhilHealth aaregluhin P1B Red Cross utang sa Lunes

0 119

Nakatakdang magbayad ng kakulangang balanse sa Lunes ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC) matapos ang kautusang kung walang bayad ay walang COVID-19) tests.

Una nang nag-demand ng full payment ang PRC kaya handa nang magbayad ang PhilHealth ng mahigit P1 billion financial obligation para maituloy lamang ang nararapat na test.

SM food to go Banner Ad

Umaasa ang PhilHealth na itutuloy na ng PRC ang pagtanggap ng swab specimens na gumagamit ng kanilang charge records, partikular ang mga overseas Filipino workers (OFW).

Matatandaang itinigil ng PRC ang pagtanggap ng swab specimens na ginagamitan ng PhilHealth bilang kabayaran na kung saan marami ang naapektuhan ng pade-delay ng Red Cross at tumaas ang bilang ng mga nabinbing test results. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.