Una sa Balita

PhilHealth, 22 na!

By
0 16

Ngayong 2017, ipinagdiriwang ng PhilHealth ang kanyang ika-22 anibersaryo bilang nag-iisang tagapagpatupad ng National Health Insurance Program (NHIP) sa bansa. Ang selebrasyon ay may temang “Universal Coverage: Challenged by Change, Empowered by Unity” kung saan kinikilala ng institusyon ang mga bagong hamon na dapat pagtuunan ng pansin at pagiging handa upang ito ay pagtagumpayan sa darating na panahon.

Mula nang naisabatas ang National Health Insu­rance Act noong 1995, marami nang napagdaanang pagbabago ang PhilHealth sa pagpapalawig ng mga benepisyo para sa mga Filipino upang makamit ang layunin na Kalusugang Pangkalahatan bilang isa sa mga pangunahing programa ng gobyerno. Napanatili ng PhilHealth, bilang isa sa mga haligi sa sektor ng pangkalusugan, ang pagiging matatag at masigasig nito. Ngayon, buong-pwersang hinaharap nito ang tungkuling matulungang ipatupad ang Philippine Health Agenda 2016-2022 na isa sa mga garantiyang isang malusog na pamayanan.

Sisiguruhin ng PhilHealth na ang lahat ng serbisyong pangkalusugan naangkop at sapat para sa bawat Filipino ay madaling makakamit sa mga pasilidad-pangkalusugan nakatuwang nito sa NHIP. Titiyakin din nito na ang lahat ng impormasyon para sa mi­yembro, lalo na ang kanilang karapatan at benepisyo, kasama ang kanilang responsibilidad na panatilihing updated ang kanilang record at kontribusyon, ay maibibigay.

Abante Hiring – IT dep

Ngayon, sa kanyang ika-22 na anibersaryo, ang PhilHealth ay tutugon sa hamon na makatulong ang kanyang programa sa bawat Filipino. Kapit-bisig na­ting pagtuunan ng pansin at isama lahat ng sektor ng lipunan upang makamit ng sambayanan ang ninanasang Universal Coverage, kung saan wala nang Filipinong maiiwan sa martsa tungo sa mas malusog na Pilipinas.

Kabilang sa mga idinaos na aktibidad bilang paggunita ng ika-22 anibersaryo ay ang PhilHealth Symposium sa EDSA Shangri-La Manila kung saan kasama ang European Union sa pagtanghal na may temang: “Bawat Filipino… Protektado: A PhilHealth Symposium”. Itong pagdiriwang na ito ay naging daan para maipahayag sa bawat Filipino ang mga karanasan ng ibang bansa sa pagkamit ng ninanasang Universal Health Coverage, ang pagbahagi ng karanasan ng institusyon sa pagtahak tungo sa Universal Coverage at ang pag-unawa sa mga kailangang elemento na kukumpleto sa UHC Cube.

Panatilihin natin ang magandang estado ng ating kalusugan. Laging tatandaan, alaga kayo ng PhilHealth!

***

Kung may nais kayong itanong tungkol sa aming mga programa at serbisyo, mag-email lamang sa actioncenter@philhealth.gov.ph o tumawag sa aming Corporate Action Center sa (02) 441-7442. Bisitahin din ang aming official social media accounts: www.facebook.com/PhilHealth at ang www.twitter.com/teamphilhealth.