Una sa Balita

Philex Mining-MVP sa Benguet nasunog: 4 DENR forester patay

By
0 317

TODAS ang limang katao sa naganap na forest fire sa bahagi ng Philex Mining Corporation (PMC) na pag-aari ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan sa Barangay Ampuco, Itogon, Benguet noong Miyerkoles nang hapon.

Ayon kay Benguet acting fire marshal ng Bureau of Fire Protection (BFP) Chief Insp. Nestor Gorio, apat sa mga ito ay mga forester ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at isa naman ay residente sa nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang sunog sa parte ng PMC dakong alas-dos nang hapon at maaaring sinubukan ng mga biktima na apulahin ang sunog at dahil sa kapal ng usok ay na-suffocate ang mga ito na dahilan ng kanilang pagkamatay.

“Siguro sinubukan nilang mag-firefighting,” ani Gorio.

Nahirapan umano ang mga pamatay-sunog na apulahin ang apoy dahil malakas ang hangin at masukal ang kagubatan.
Sa ngayon ay inaalam pa ng Itogon Fire Station (IFS) ang sanhi ng apoy na tumupok sa anim na hektaryang bahagi ng gubat. Karamihan sa mga tanim dito ay mga pine tree.

Nalaman pa na ang apat na DENR forester ay nasa lugar upang i-account ang mga pine tree na iniutos kamakailan ni DENR Secretary Roy Cimatu.

Naapula ang forest fire bandang alas-kuwatro kahapon nang madaling-araw.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy