Una sa Balita

Phil patatali na kay Margaret

Goodbye pabukol na

By
0 3,638

Hayan, bago magtapos ang 2017, humabol pa ang Azkal star stri­ker na si Phil Younghusband sa mga na-engaged.

For sure, maraming ­girlash at pa-gurls na nagpapatansiya sa kanyang mga pa-bukol ­tuwing naglalaro ang luhaan ngayon dahil nag-propose na nga ito ng kasal sa kanyang long-time girlfriend na isang Filipina-Spanish.

Siya ay si Margaret Hall na hindi pakakabog sa ganda, noh!

Abante Hiring – IT dep

Si Phillip mismo ang naglantad ng engagement na ito kung saan ay ipinost din ni ­Margaret ang kanyang ­engagement ring na ­kakaiba rin ang korte, huh!

Nasanay na kasi tayo na laging bilog ang singsing, pero ang sa kanya naman ay triangle ang dating.

Naku, hindi kaya bad sign ito na baka magkaroon sila ng ka-love triangle?

O, hayan mga beks at girls, may chance pa kayo?  Echos!

Wala pa naman detalye sa kanilang kasal kaya malay niyo, devah?

Congrats to Phil and Mags!

Si Angel Locsin ang pinakasikat na naging dyowa ng football superstar na marami na rin ang nagtatanong kung kelan naman magpu-prose ang kanyang dyowang si Neil Arce sa kanya.

Yun, o!