Una sa Balita

Phil. Airforce nirapido ng riding-in-tandem

By
0 123

Patay ang isang miyem­bro ng Philippine Air Force (PAF) makaraang tambangan ng riding in tandem gunmen sa Sta. Rosa-Tagaytay Road, sa Bgy. Don Jose, Sta. Rosa City, Laguna kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si S/Sgt. Elmer Lonzaga y Noleal, 47-anyos.

Batay sa report ng pulisya, kasama ang kanyang misis, sakay ng kotseng Subaro XV na may plakang HW 3120 ang biktima nang sundan ito ng mga suspek.

Pagsapit sa may stoplight, pinaulaanan ng bala ng mga gunmen ang driver’s side ng kotse hanggang sa rumampa ang sasakyan sa shoulder.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa balikat at ulo ang biktima at agad isinugod sa Southern Luzon Hospital subalit idineklara itong dead on arrival ng doctor. Wala namang pinsala ang misis ng biktima.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Tagaytay. Sa kasalukuyan ay patu­loy iniimbestigahan ang insidente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy