Una sa Balita

Phelps, Mighty sinagasaan ang Jordan

0 266

ITINULOY ng Mighty Sports-Go for Gold ang ratsada sa 41st Williams Jones Cup, sinagasaan naman ang Jordan 90-74 Sabado ng hapon.

Ang dalawang dating­ PBA imports na sina Renaldo Balkman at Eugene Phelps ang namuno sa pangalawang sunod na panalo ng Pilipinas.

Sa opener ay nilampaso ng Mighty ang Iran Under-23 team 98-72.

Nagsumite si Phelps ng game-high 20 points, tumapos si Balkman ng 17 points at 7 rebounds. May tigalawang blocks pa sila.

Inumpisahan ni Roosevelt Adams ang ratsada ng Mighty nang ilista ang walo sa kanyang 11 points sa first half tungo sa kumpor­table nang 44-29 lead sa break. Pinabuka pa ng Mighty ang abante sa 68-44 bago natapos ang third quarter.

Nagdagdag ng tig-9 points sina McKenzie Moore, Michael Williams at Zach Graham.(Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy