Una sa Balita

Phelps’ farewell swim…23RD GOLD HINABLOT

0 148
rio-olympics-swimming-phelps
Last hurrah! — Itinodo na ni Michael Phelps ng Team USA ang lakas sa men’s 4x100m medley relay tungo sa kanyang ika-23 gold medal (overall) sa Rio Olympic Games sa Olympic Aquatics Stadium sa Rio de Janeiro, Brazil. (AFP)

RIO DE JANEIRO (AFP) — Tinapos ni Michael Phelps sa klasikong performance angkanyang swimming career matapos mahablot ang ika-23rd Olympic gold, bago ihatag ang centerstage ng Rio Games kay runner Usain Bolt.

Inagaw ni Mo Farah ang show sa athletics sa 10,000m nitong Sabado, ipinakita naman ng United States ang pagkakasungkit ng 1,000 gold medals overall, pero, ang gabi ay para sa emosyonal na si Phelps.

Ang 31-anyos na si Phelps ay muling nagpakitang-gilas, nang magtala ng come-from-behind win sa butterfly leg ng 4x100m medley sa 3 minutes at 27.95 seconds, kasama ang world record sa backstroke leg ng kakamping si Ryan Murphy.

Saktong-sakto ang tagumpay sa swansong ni Phelps, ang ‘most decorated’ Olympian sa kasaysayan, na nagdagdag ng limang ginto at silver sa kanyang paglahok sa Rio Games.

Tinapos niya ang career na may kabuuang 28 medalya.

Bago ang kanyang farwell swim, tinalo si Phelps ng 21-anyos Singaporean na si Robert Schooling sa final ng 100m butterfly.

Minsan nang nag-retiro si Phelps matapos ang 2012 London Games, pero nagbalik dahil mayroon pa siyang gustong tapusin.

“This is how I wanted to finish my career. I’ve lived a dream come true. Being able to cap it off with these Games is just the perfect way to finish,” lahad ni Phelps, na ang tagumpay sa Rio ay sinaksihan ng inang si Deborah, girlfriend na si Nicole Johnson at tatlong buwang anak na si Boomer.

Sa kanyang tuluyang pamamaalam sa aktibong paglangoy, nais ni Phelps na ibuhos ang atensiyon sa pamilya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy