Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pharmally Gang nagtatago ng ebidensiya

0 157

Seryoso ang Senado na ipakulong ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation kapag hindi nito napasakamay ang mga kahon na naglalaman ng mga financial document ng nasabing kompanya.

Ito’y matapos na ma­bigo pa rin si Pharmally corporate secretary at treasurer Mohit Dargani na matagpuan ang mga kahon na aniya’y nakatago sa isang bahay, opisina at warehouse.

Ayon kay Senate Sergeant-at-Arms retired Major General Rene Samonte, nakabitin ang utos ng Senate Blue Ribbon Committee na ikulong sina Dargani at Pharmally director na si Lincoln Ong sa Pasay City Jail dahil sa pakiusap ni Dargani na personal niyang hahanapin ang mga kahon para i-surrender ito sa komite.

Dahil dito kaya’t hindi muna umano ipinatupad ang nasabing direktiba.

Ipinatitiyak din ani­ya niya na hindi sila nilalansi ni Dargani at alam nito ang pupuntahan.

Iniutos ng korte ang paglipat kina Dargani at Ong sa PCJ dahil sa pagtanggi nilang tukuyin ang pinagtataguan ng mga financial document ng Pharmally.

Umapela si Dargani sa komite na payagan siyang hanapin ang mga kahon na pinag­lalagyan ng mga dokumento gayundin ang pagkakataon na makausap si Ong.

Pumayag sa kanyang apela ang blue ribbon committee sa kondisyon na dadalhin sa Senado ang mga dokumento. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.