Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PH utang lumobo sa P11.17 trilyon

0 49

Dinagdagan ng administrasyong Duterte ng panibagong P94.6 bilyon ang utang ng Pilipinas noong Hunyo kaya’t umabot na ito sa P11.17 bilyon noong Hunyo, sabi ng Bureau of the Treasury kahapon.

Kung paghahati-hatian itong bayaran ng bawat Pilipino, sanggol man o matanda, ang bawat isa ay may utang na P101,569.97, o higit pa sa suweldo ng manggagawa sa Metro Manila sa anim na buwan.

Ayon sa Bureau of Treasury, mas lumaki ang inutang ng administrasyong Duterte sa labas ng bansa nitong Hunyo kumpara sa inutang sa loob ng bansa na 0.3% o P22.8 bilyon ang nilaki kumpara sa Mayo. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.