Una sa Balita

PH-US relasyon lalabo sa lusaw VFA

0 398

HIHINA diumano ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at United States sa oras na umepekto na ang pagpapawalang-bisa ng Vi­siting Forces Agreement (VFA).

Ito ang sinabi kahapon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon isang araw matapos ang pagbasura ng gobyerno ng 20-taong kasunduan ng ‘Pinas sa US.

Ang pahayag ni Drilon ay taliwas sa sinabi ng Palasyo na magkakaroon ng “warmer ties” sa pagitan ng dalawang bansa at umaasang bibigyan na ng atensiyon ng US ang bansa matapos ang pagputol ng Pilipinas sa VFA sa US.

“In general, ‘yung ating relasyon sa pinakamalakas na bansa sa buong mundo, siyempre lalabnaw iyan dahilan dito sa pagkansela sa VFA,” pahayag ni Drilon sa panayam ng dzRH.

Binigyang-diin pa ni Drilon na malaki ang magiging epekto ng terminasyon ng VFA sa bansa lalo na sa ilang aktibidad na ginagampanan ng mga Amerikano tulad ng pagbibigay ng intelligence information sa militar.

“Maraming epekto po iyan. Sa ngayon, inaamin naman ng Armed Forces na hindi tayo handa sa mga activities na ginagampanan ng Amerikano. Halimbawa rito ‘yung intelligence activities sa Mindanao, iyan po ay tinutulungan tayo ng Amerikano,” sabi ni Drilon. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More