Una sa Balita

PH-US ‘open relationship’ ang peg

By , ,
0 102

Kung ihahambing sa magsyota, hindi naman umano nanlalamig kundi isang bukas na relasyon ang samahan ng Pilipinas at Amerika.

“Ang ginagawa natin ay ‘di pakikipagputol, nilalawakan lang natin ang options… ‘Di naman siguro cool off but open relationship,” paliwanag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa isang pulong-balitaan sa Malakanyang kahapon.

“Binigo tayo ng Amerika.”

Ito ang inihayag ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na mensaheng gustong ipaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika at sa buong mundo at siyang dahilan kung bakit inilinya nito ang foreign policy natin na bagay sa isang ‘independent’ na bansa para sa national interest at upang maproteksiyunan ang soberenya at integridad ng ating teritoryo.

Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng ‘misinformed’ lamang si Pangulong Duterte nang sabihin nitong walang pakinabang ang mga tropang Filipino sa joint military exercises sa Amerika.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy