Una sa Balita

PH U19 volley team 4th placer

By
0 2

Nakuntento sa fourth place finish ang Philippine team matapos yumuko sa Indonesia, 12-25, 21-25, 17-25, sa battle for bronze medal sa 19th Princess Cup Southeast Asian Women’s Under-19 Championship sa Sisaket, Thailand noong Miyerkules.

Matapos mabigo sa Vietnam, 14-25, 16-25, 18-25, sa semifinals, muling nakalasap ng pagkalugmok ang Filipinas para lumanding lang ito sa No. 4 sa walong kalahok sa nasabing event.

Pero nakapag-uwi naman ng karangalan si Kathleen Arado ng University of the East matapos mahirang bilang best libero sa torneo.

Naimpres pa rin si Phl team manager Peter Cayco sa ipinakita ng Pinay ­netters dahil nakaabot pa rin sila sa semifinals.

“It’s not that bad finishing in the upper half of the standings considering that this is a young team and we have little time to prepare,” wika ni Cayco.

Ang komposisyon ng Philippine team ay mga best 19-and-under players na pinangunahan ni National U setter Jasmine Nabor, inumpisahan nila ang kam­panya ng dalawang sunod na panalo kontra New Zealand, 25-23, 25-13, 17-25, 25-17, at Singapore, 25-9, 25-14, 25-23, bago natalo sa eventual chamion ­Thailand, 14-25, 23-25, 16-25 sa group stages.