Una sa Balita

PH team hakot award sa world math contest

0 539

NAIUWI ng mga delegado ng Pilipinas na binubuo ng walong Grade 5 student, ang 11 medalya at tropeo sa 22nd Po Leung Kuk Primary Mathematics World Contest (PMWC) na ginanap sa Hong Kong.

Nakuha ng mga lumahok na Pinoy student ang dalawang silver, apat na bronze medal sa individual contest, apat na silver medal at trophy sa team contest na ginanap mula Hulyo 15 hanggang 19.

Kabilang sa mga nagwaging mag-aaral na pawang nasa elementarya ay sina Jerome Austin Te ng Jubilee Christian Academy at Michael Gerard Tongson ng Stonyhurst Southville International School-Malarayat na naiuwi ang silver medal.

Wagi rin sina Kody Briones, kapatid ng Abante reporter na si Yves Briones ng Emmanuel Christian School, Iris Lexi Ababon ng Colegio San Agustin-Makati, Sophie Jill Co ng Pace Academy, at Sean Jang ng Elizabeth Seton School-South na may tag-iisang bronze medal.

Binubuo naman ang team contest nina Ian Gabriel Hong ng Pace Academy, Tongson, Te at Briones na pawang nakuha ang first runner-up.

“We congratulate our Filipino contestants for winning awards in the contest. We are very proud of their feat,” ayon kay Dr. Isidro Aguilar, presidente ng Mathematics Trainers Guild-Philippines.

Sa kabuuan, 144 mga estudyante ang lumahok sa PMWC ngayong taon mula sa United States, Australia, South Korea, China, Bulgaria, Hong Kong, Taiwan, South Africa, Thailand, Indonesia, Macau, Malaysia, Mongolia, Singapore, Vietnam at Philippines.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy