Una sa Balita

PH, SEAG record binasag ni Knott

0 386

Nagparamdam agad ng lakas si Fil-American Kristina Knott matapos bumasag ng record sa Southeast Asian Games.

Nirehistro ni Knott ang 23.07 seconds sa women’s­ 200m heat ng 30th SEA Games kahapon sa New Clark Athletic Stadium.

Binura ni 24-year-old Knott, naghanda sa United­ States ang 23.16, na tinala ni Fil-Canadian Zion Corrales-Nelson noong April 2019 sa isang kompetisyon sa Sacramento, California.

Ayon sa opisyal ng Philippine Athletics Track and Field Assocation (PATAFA), ni-recognize na ang oras na itinala ni Corrales-Nelson na Philippine record pero malamang na hindi pa umano ito na-update sa Wikipedia.

Si Corrales-Nelson ang unang umungos sa 18-year-old SEAG record na 23.30 na nilista ni Thai Supavadee Khawpeag sa 2001 Kuala Lumpur edition.

Unang atleta rin si Corrales na bumura sa Philippine record na 23.50 seconds na tinarak ni legend Lydia de Vega-Mercado sa US may 33 taon na ang nakalipas.

Lumaki sa Florida si Knott, noong October ay nagwagi siya ng gold sa 200m dash test event. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More