Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PH sa ASEAN meeting: Suu Kyi palayain

0 77

Nanawagan ang gobyerno ng Pilipinas para sa agarang pagpapalaya kay Aung San Suu Kyi at ang “complete return” ng Myanmar sa dati nitong state of affairs.

Ginawa ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang panawagan sa ginanap na Informal ASEAN Foreign Ministers Meeting noong Marso 2.

SM food to go Banner Ad

Muli ring ipinahayag ni Locsin ang nauna nang posisyon ng pamahalaan ng Pilipinas na kinikilala nito ang papel na ginagampanan ng Myanmar army para mapanatili ang territorial integrity at national security ng kanilang bansa. Subalit kinikilala rin ng pamahalaan ang “unifying role” ni Suu Kyi sa mamamayan ng Myanmar.

Hiniling din ni Locsin sa ASEAN na ibigay ang kinakailangang tulong para sa mga mamamayan at gobyerno ng Myanmar. (PNA)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.