Una sa Balita

PH puwede sa mas malaking sporting event – Olympic official

0 281

KUMPIYANSA si Olympic Council of Asia (OCA) Vice President Wei Jizhong sa kakayahan ng Pilipinas na mag-host ng mas malaking sporting event.

Ang pahayag ay ginawa ng ­Olympic official matapos na masaksihan ang pag-host ng Pilipinas sa Southeast Asian Games.

Humanga ang opisyal dahil ­personal niyang nasaksihan ang maayos at sistematikong pag-organisa ng 30th SEA Games.

Dagdag pa ni Wei sa press confe­rence nitong Lunes, ang slogan na, “We Win as One,” hanggang sa fan engagement at sa matapat na pag-amin sa responsibilidad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naunang aberya ay mahalagang bagay upang maging maayos ang pag-organisa sa SEA Games.

“The gold medal is not the only target of the Games and the most ­important thing is the friendship and we are working for a better future ­afterwards,” ani Wei.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More