Una sa Balita

PH polo pinisak ang Malaysia

0 292

BINIGO ng Philippine polo team ang nagtatanggol na kampeong Malaysia Martes nang gabi upang panatili­hing buhay ang tsansa nito sa inaasam na gintong medalya sa sports na polo sa ginaganap na ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games sa Iñigo Zobel Polo Facility sa Calatagan, Batangas.

Ginulat ng Pilipinas sa pagtatala ng 8.5-4 iskor ang defending champion at ranked No. 1 sa torneo na Malaysia upang pahigpitin nito ang labanan sa mga nakatayang medalya sa isa sa pinakamatagal na sports sa mundo at kinikilalang sports para sa mga hari at reyna. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy