Una sa Balita

PH passport petmalu sa global ranking

0 388

Free visa sa 64 bansa

Alam n’yo bang ang mga Philippine passport holders ay maaari nang makapag-travel sa 64 destinations na may visa-free access? Ito ay dahil sa pumasok na ang Pilipinas sa 80th spot sa global ranking.

Maaari nang makapasok ang mga Pinoy sa 34 bansa na visa-free habang ang ilan pang 30 bansa ay nangangailangan ng visa-on-arrival na tulad sa Sri Lanka na kailangan ng electronic travel authorization.

Base sa data mula sa International Air Transport Association (IATA) na sinabi ng 2019 Henley Passport Index na pumasok na sa 75th place ang bansa noong 2018.

Nangunguna ang Japan at Singapore sa ranking ng visa-free access sa 189 destinations habang ang Afghanistan ay nasa pinakamababang ranggo na 109th kasabay ng 25 visa-free destinations.

“In Asia Pacific, international migration and mobility have become increasingly more complex, dynamic, and diverse, shaping the overall social, economic, and demographic conditions in the region,” ayon dito.

Una nang iniulat ng Henley Passport Index na sa Uni-ted Nations umaabot na sa 80 million international migrants ang nasa bansa at sa ilang lugar sa Asia Pacific.

Malaki umano ang naitutulong ng International migration sa pag-angat ng economic growth sa Asia Pacific at nagbibigay pa ng trabaho mula sa ibang bansa na nagiging dahilan ng pag-unlad at pagtaas ng ekonomiya ng isang bansa.

Sa kasalukuyan, nagpalabas na ng visa-free privilege para sa mga Pinoy ang Taiwan, ayon sa Taipei Economic and Cultural Office (Teco) na una nang ginawa noong 2017 na kung saan ay tumaas ang bilang ng mga Pilipino na bumibisita sa Taiwan.(Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy