Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PH nakawala na sa bagsik ng Omicron

0 168

Nakakahulagpos na ang Pilipinas sa bagsik ng Omicron COVID variant.

Ito ang inihayag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David batay sa ipinapakitang datos kung saan bumaba na lamang sa tatlong digits ang COVID cases sa bansa.

Ayon kay David, tuloy-tuloy ang pagbaba ng mga kaso ng COVID na tumama sa kanilang pagtaya para sa buwan ng Marso.

“Sa ngayon mukhang patapos na tayo sa wave ng Omicron at nakikita naman natin na ‘yong prediction namin na less than one thousand cases by March nagkatotoo naman. ‘Yan nakikita natin less than one thousand cases na lang at bumababa pa,” ani David.

Hindi na aniya high risk ang sitwasyon kaya kailangan ng magluwag para mapaghandaan naman ang epekto sa ekonomiya ang nagaganap na sigalot sa Ukraine at Russia. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.