Una sa Balita

PH naging sin city ng China dahil sa POGO

0 311

NAPASAMA ang lagay ng local economy ng Pilipinas dahil sa pagdagsa ng mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Ayon kay Senador Joel Villanueva, magiging sin city lamang ng China ang Pilipinas sa paglobo ng mga nagtatrabahong Chinese sa online casino.

“With the way developments in the industry is unfolding, we fear that we are becoming the sin city of China with very little benefit to Filipinos and our economy,” ani Villanueva.

Nababahala rin ito na posibleng laganap na rin ang money laundering kaya’t inalerto niya ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na imbestigahan ito.

“What worries me is if we can’t even tax them properly, how can we assure the public that these POGOs are not being used for illegal activities like money laundering?” ayon sa senador.

Kinalampag din ni Villanueva ang Phi­lippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) dahil bilang ahensiya na siyang nagbibigay ng lisensiya sa mga POGO, kailangang tumulong din sila sa regulasyon ng mga ito.

“PAGCORs work begins when it issues POGOs the necessary licenses to operate. They should do a better job in regulating offshose gaming firms, just as what they do with conventional gaming establishment such as casinos,”diin ng senador.

Tumataas na aniya ang renta sa mga tanggapan dahil sa mataas na demand mula sa POGO na posibleng lagpasan na ang IT-Business Process Management sa bansa.

Bukod diyan, tumataas na rin ang renta sa mga condominium kaya nahihirapan na ring mga mangagawang Pinoy na umupa na matutuluyan malapit sa kanilang pinagtatrabahuhan.

May mga natanggap na ulat si Villanueva na marami ang hindi na nagre-renew ng kanilang kontrata sa mga apartment at condo dahil nadoble o ‘di kaya’y natriple na ang renta kasunod ng pagdagsa ng mga foreign worker partikular ang mga Chinese.

“One report we received came from an office worker who paid P25,000 for a condominium unit in Pasay. She did not renew her contract because the unit owne­r planned to raise rent to P60,000,” ani Villanueva.

“The sector also does not create jobs for Filipinos because it hires primarily Chinese workers,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy